

Ang “Bigkis ng Pamilya Program” ay isang programa na ang layunin ay….
IKAW na isang Overseas Filipino Worker, tanyag at maipagmamalaking Bagong Bayani ng Bansang Pilipinas, ay maari ng isapi ang mga miyembro ng inyong pamilya sa “Bigkis ng Pamilya Program”.
Bigkis ng Pamilya (BnP) ay ang pinakabagong programang bukod-tanging nagpapaigting sa ugnayan ng INYONG PAMILYA kahit malayo ka sa iyong pamilya sa kasalukuyan. Ano mang layo at lawak ng karagatang namamagitan sa iyo at ng pamilya mo ay hindi magiging balakid sa pagsasama-sama muli ng pamilya sa oras na kailangang makapiling sila. Sa mababa at kayang-kayang halaga ito ay maisasakatuparan ng “Bigkis Pamilya Program”.

Ang BIGKIS ng PAMILYA PROGRAM ay taunang pagsapi sa mga miyembro ng iyong pamilya. Sa oras o panahong kailangan ang pagbabalik mo sa bansa upang makapiling ang pamilya, ito ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng mga sumusunod na dahilan at kaukulang benepisyo:
Ang “BIGKIS ng PAMILYA PROGRAM’ ay handog sa Overseas Filipino Workers ng RxPinoy at Manor Management Corp. Ang tanging layunin at adhikain ay makatulong sa ating mga Overseas Filipino Workers sa panahon na kailangan ang madaliang pagbiyahe o pagbabalik sa Pilipinas upang makadaup-palad at magkakasama muli ang buong pamilya sa mga oras ng pagdadalamhati o kapighatian.
Bigkis ng Pamilya para sa Bayang Pilipino! Saludo at Kaagapay ng Overseas Filipino Workers saan man sa Mundo! Pilipino Ka!