
- May benepisyo bang makukuha paglipas ng 1 taon kung sa loob ng isang taon ay hindi ko nagamit at di napagkaloob sa akin ang benepisyo ng Bigkis ng Pamilya Program?
Walang benepisyo pag paso na ang 1 taong bisa ng coverage. Maipagpapatuloy ang coverage kapag bayad ang subscription fee sa takdang petsa o bago dumating ang takdang petsa ng pagtapos ng taunang coverage.
.
- Bakit hindi ko maaring isapi ang hindi miyembro ng pamilya?
Kailangan ang masusing pag-aaral sa pangyayari at kadahilanan kung bakit ibig bumalik sa Pilipinas ang Overseas Filipino dulot ng pagyao o pagkaroon ng masidhing karamdaman taglay na maituturing na “terminal illness”. Kapag ito ay napagtibay, ang Manor Corp. ay makikipag-ugnayan sa Overseas Filipino upang ipaalam ang kanilang pahintulot at pagsang-ayon sa kahilingan.ng Overseas Filipino.
.
- Kapag naisumite ko na ang “subscription form” at kaukulang bayad ng subscribtion fee, ito ba ay nangangahulugan ng kaagarang bisa ng kanilang pagiging saklaw?
Oo, dahil naideklara mo ang kanilang pagtataglay ng mabuting kalusugan kasabay ng pagsagot mo sa “subscription form”.
.
- Anong ang kasunod kapag naisumite na ang “subscription form” at naibigay na ang kaukulang bayad?.
Ikaw ay bibigyan ng kopya ng Subscription Agreement o ito ay ipapadala sa mabilis na paraan. Ang Subscription Agreement ay magsasaad ng lahat ng mga benepisyo at talaan ng mga miyembro ng pamilya na saklaw ng programa. Ito may kalakip na Subscriber guide na naglalahad ng mga alituntunin, patakaraan, mga proceso at dokumentong kailangan upang maipagkakaloob ang benepisyo.
.
- Saan maaring kumuha ng karagdagang impormasyon hinggil sa Manor Management Corp.?
Maaring makipag-ugnayan ka sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Website: www.manorphil.com
e-mail: manor@pacific.net.ph
.
- Paano ko matitiyak ang pagkakaloob ng mga nakasaad na benepisyo?
Ang tanging dahilan ng hindi pagkakaloob ng mga benepisyo ay ang sadyang pagbibigay ng maling impormasyon sa Subscription Form na salungat sa tutuong kalusugan ng mga kasaping miyembro.
.
- Kung sakaling pumanaw na ang isang miyembro ng pamilya na kasapi sa programa at sa kadahilanan na ako ay hindi maaring bumalik sa Pilipinas, mawawalan ba ng saysay at hindi pagkakaloob sa akin ang pasahe sa eroplano?
Walang benepisyo na maaring mawawalang saysay at magdudulot ng hindi ipagkakaloob ang pasahe sa eroplano!. Datapwat aming hinahangad at hinihikayat na makakasaama mo ang mga mahal sa buhay sa panahon ng pangangailangan o dalamhati. ipagkakaloob sa Subscriber ang katumbas na halaga ng pasahe at sang-ayon sa nakasaad sa sulat-kahilingan ng Subscriber. Ang paggawad ng tulong pinansiyal ay alinsunod din sa nakasaad sa sulat-kahilingan.
.
- Bakit hindi saklaw ang lahat ng ginastos ko kaugnay ng biyaheng pabalik sa Pilipinas?
Magkakaroon ng kahirapan sa pagkikilalan at sa pagsasapapeles ng mga ginastos sa pag-uwi at lalo na sa mabusising pagsusuma ng mga nararapat na “subscription fees”, ang papunta-at-pabalik na pasahe sa eroplano ang
9. What are the basic documents that have to be submitted to Manor for the processing of my availment of benefits?
.
- Ano-ano ang mga dokumento na kailangang isumite sa Manor upang maipagkakaloob sa akin ng mga benepisyo.
Kinakailangan ibigay-alam sa Manor ang mga detalye hinggit sa pagyao o sa pagkakaroon ng terminal na karamdaman para sa pagrerepaso ng mga ito. Kailangan ang Katibayan ng Pagkamatay(Death Certificate) at Salaysay ng Manggagamot (Medical Certificate) bilang pasiunang dokumento. .
.
- Kapag naipagkaloob na sa akin ang benepisyo ng isa sa mga anak ko ayon sa “family subscription fee”, mananatiling saklaw pa rin ang ibang miyembro ng aking pamilya?
Oo, sila ay mananatiling saklaw pa rin sa loob ng isang taong may bisa ang inyong “subscription’.
.
- Ano ang mangyayari kung sakali ang buong miyembro ng pamilya ko ay nasawi sa isang sakuna?
Bawat isa sa kanila ay saklaw ng mga sinakop ng benepisyo. Halimbawa, kapag ang buong mag-anak o pamilyang sakop ay ang asawa at 4 na mga anak, ikaw ay pagkakalooban ng 5 papunta-at-pabalik na pasahe ng eroplano at tulong pinansiyal sa halagang P200,000 ng bawat isa sa miyembro ng pamilya o sa kabuoang halagang isang milyong pesos (P1M) sang-ayon sa Comprehensive Subscription.
Sa dahilang hindi mo maaring gamitin ang lahat na 5 papunta-at-pabalik na tiket, ang mga natitirang tiket ay papalitan ng katumbas na halaga.
.
- Paano ko ma-renew ang aking subscription bago matapos ang isang taon.
Isang buwan bago sumapit ang 1 taong pagiging miyembro, ang Manor ay makikipag-ugnayan sa inyo ukol sa kinakailangang subscription fee na dapat mababayaran sa takdang petsa o bago sumapit ang petsa ng taunang pagtatapos para sa patuloy na coverage.