Nothing beats Early Detection. Below is a tool for you to help you detect cancer in its early stage.


Dr. Joseph Tabora on Early Cancer Detection

 


Links

Home

Early Cancer
Detection

- Soundbyte by
Dr. Tabora

- Dr. Tabora's
Ask-a-Doc

Cancer
Awareness

- Pelvic Cancers
- Colorectal
Cancers

Anti-Cancer
Supplements

- Dr. Echano's
Articles

- Dr. Echano's
Ask-a-Doc

- Advertorials

Cancer Support
Groups

- 10 Fast facts
about hemophilia

- Holistic Care
of Hemophilia

- About PNHC

 

FJ: Pagka po ba sinabing cancer screening, ano po ba yung ginagawa? Ano po ba yung importansya nito sa isang pasyente?

JT: Ang layunin po ng cancer screening ay maagapan ang cancer, siguro po may kamag anak kayo o kaibigan na nagkaroon ng cancer, kadalasan sa mga pasyenteng ito ay nalalaman kadalasan ay huli na, ang ibig sabihin ng huli na po ay kumalat na po sa mg akulani, kumalat na sa ibang parte ng katawan tulad ng atay o baga, ang maganda po kasi sa kancer ay hindi po katulad ng infection katulad ng SARS na makalanghap ka ng mikrobyo, pagkatapos ng ilang lingo magkakasakit ka, hindi po ganito ang cancer, ang cancer po nagsisimula sa isang malignant na cell, so mula sa cell na yun dumadami ito, lumalaki hangang pag lumakina siya, nagsisimulang dumami mula sa kulani, hnagang sa buong katawan. Mula sa isang cell na yun hanggang sa pagkalat sa buong katawan ay inaabot ng ng lima hanggang sampung taon, kaya meron pong stage ang cancer na maagapan sya, malulunasan habang maaga. Ito po ang target ng cancer screening, malamn habang maaga kungmay cancer para malunasan at hindi na sya hayaan na kumalat sa ibang partre ng katawan

FJ: Pagka sinabi po ba ng doctor ko na kaylangan na magpa cancer screening ka, dapat ba kabahan ako? Sino sino ba ang pina payuhan na mabg under go ng cancer screening?

JT: Nabanggit po kasi ang cancer ay nakakatakot po talaga, mas nakakatakot po kasi kung may cancer tayo tapos hindi natin nalalaman, dahil nga sa hindi nalalaman, hindi nalulunasan at nahahayaang lumaki at kumalat, so dapat po ay hinmdi tayo matakot kung tayo ay iscreen kung tayo ay may cancer. Ang rekomendasyon po ng mga ahensya s akalusugan ay may mga edad na dapat na naabot nyo yung edad na ito ay mag screening kayo para malamn ng maaga kung may nagsisismulang cancer.

FJ: ibig sabihin po ba nito Dr. tabora, kahit na wala kang nararamdaman or nakikitang sintoma o senyales basta umabot ka sa edad na yun na pine prescribe yung paga undergo ng cancer screening ay dapat sumailalim ka na sa ganung klase ng pagsusuri

JT: Tama po yan, dahil sa simula po, sa first stage ng cancer karamihan po ditto ay walang naraaramdamang sintomas kayamali po yung nasa isip na pag may sintomas na saka lang magpapatingin ito pong cancer screening nalalaman na po kung may cancer ka kahit po walang nararamdaamn ang pasyente

FJ: ano ano pong klase ng cancer ang pwedeng gamitan ng cancer screening

JT: Hindi po lahat ng klase ng cancer ay naii screen at pili lang po ang mga klase ng cancer na pwedeng gamitan ng screen. Alin po yung klase ng cancer? Yun po ay yung mga common, yung madalas pong nakikitang cancer, halimbawa po ditto ay, cancer sa breast, cancer sa cervix o yung kwelyo ngmatres ng mga babae, at yung colon and rectal cancer.

FJ: Nabangit nyo po yung breast cancer, ano po ba yung mga nakapaloob. Kapag sinabing breast cancer, ano po yung nagyayari sa isang may breast cancer?

JT: ang nangyayari po sa isang may breast cancer, ang simula po ng may cancer tulad ng nabanggit ko kanina ay isang cell na hindi nakikita pero ditto po nagsissimula ang isang cancer, karaniwan po nyang nangyayari mula ditto sa isang cell na to, dadami ng dadami hanngang umabot sa sukat nya na nakakapa na, ang karaniwang sukat po na unang nakakapa ay sukat po ng 1cm, pag nagsimula na sa ganyang sukat, lalaki pa sya, lalaki ng lalaki habang dumadami or tumataas yung size nya, nagsisimula na syang kumalat mula dun sa kulani, sa kilikili at pag napabayaan pa po kakalat po sya sa baga atasa ibang parte ng katawan

FJ: Pag sinabi po nating breastcancer isang klase lang po ba ng cancer yung pwedeng matagpuan dun o matukoy doon?

JT: kung sususriin po ng isang pathologists ang isang specimen ng may breastcancer, may iba iba po klase itong histologic types na tinatawag natin, so meron pong type na mas agresibo bibig sabihin po ng agresibo ay mas mabilis syang kumalat o mas lumaki, may iba naman pong klase na mabagal kumalat

FJ: ayon,kaya pala nag iiba iba rin kung minsan yung bilis o bagal ng pag develop ng cancer sa isang pasyente.

JT: Totoo po, iba iba po yung behavior ng ibat ibang klaseng cancer sa ibat ibang parte ng kahtawan.

FJ: para po sa isang may breast cancer, gano ka importante yung pag screen?

JT: importante po ang pag screen sapagkat nakakasagip po ito ng buhay ng may cancer sa paraan po na pag nalaman po ngmaaga na may cancer, nagagamot po ito ngmas madali at hindi na napapayagan kumalat pa sa buong katawan, siguro po meron kayong kakilala na nag ke chemotherapy, ang chemotherapy po ay isang gamut na ang target po nya ay yung cell na kumalat na sa katawan na malayo na dun sa pinang galingan. Ang paggamot po ng isang maagang cancer, ang ibig sabihin po ng isang maagang cancer e nandun pa lang sa breast ay pwede pong malunasan sa pamamagitan ng pagtanggal ng parte lang po iyon ng katawan, pwede po syang hindi mag chemo o mag radiation kung nakita lang po ng maaga.

FJ: ano po ang ginagawang klase ng screening para sa breast cancer, pano po natutukoy, pano nasususri kung ang isang pasyente ay may breast cancer?

JT: May tatlong paaraan po ng pag screen sa breast cancer, ang unang paraan po dun ay ginagawa po ng pasyente mismo, ang tawag po dyan ay self breast examination, pwee pong maturuan ang taga pakinig ninyo para malaman po nila yung tamang paraan ng pagsususri ng kanilang sariling suso. Ito ay nirekomendang gawin ng mga kababaihan mula 20 yrs old above, maganda po nito gawin buwan buwan, ang benepisyo po ng self breast examination ay makakapa ninyo kung may namumuong bukol, at kung may nakapa ay pwedeng suriin ng mga manggagamot kung ito ay malignant o benign. Ang pangalawang paraan ng screening for breast cancer ay clinical breast exam, ang clinical breast exam po ay ginagawa ng isang manggagamot o isang health practitioner na may experience sa isang breast cancer, so itoy ginagawa taon taon

FJ: Posible po pala na nag isang pasyente ay hindi nya makapa sa sarili nya yung bukol at yung doctor lang ang makakapa non

JT: Totoo po, dahil kung wala tayong karansan dati tungkol sa pagkapa ngbukol, mas mahihirapan po tayongmag desisyon kung ito po ay bukol na o hindi, pero nakakatulong pa rin ang self breast exam dahil may mg apasyente tayo na lumalaki na ang bukol, kunyari umaabot na po sa 4cm, 5cm, hindi nila namamalayan na may bukol na pala sa kanilang suso

FJ: Bukod po dun sa self breast examination atsaka clinical breast examination po ng isang doctor, ano pa po yung screening para sa breast cancer?

JT: Ang pangatlo po at ang pinaka mahalagang screening ay isa pong klase ng x ray sa breast, ang tawag po ditto ay mammography, ang benepisyo po ng mammography ay kahit po walang bukol na nakakapa pwede na pong may makitang senyales sa x ray na may nagsisismula na ng cancer. Yung mga cancer po na nakikita sa mammography ay napakaaga po nito, maagang klase nng cencer na madali pong gamutin

FJ: Yun pong ibang mga bhealth conditions minsan ay pinapayuhan na mag undergo ng mri, sa breast cancer po ba, pwede ring gamitin yung mri?

JT: Meron na pong tinatawag na mri na mammography, pwede pong gamitin ito, pero hindi pa po malawak ang paggamit, unang una po ay hindi pa po kalat angmri sa iabt ibang bahaging kapuluan, pangalawa mas medyo may kamahalan sya kesa sa traditional na mammography

FJ: Kasi do, ang mammography ang isa sa mga nababanggit ng mga naga undergo nyan e masakit kaya umiiwas yung iba sa mammography, kung meron pa daw bang ibang paraan ng pag screen?

JT: Totoo po yan,medyo may konting discomfort habang ginagawa yung mammography pero meron sa mga pasyente po na nakausap ko dahil ako mismo ay hindi ko pa narasan ang mammography sa mga kababaihan ko pong pasyente tinatanong ko po sila dahil gusto kong malamn kung matindi nga ba ang sakit nito na dinudulot ng x ray ng suso, sabi naman nnila, may konting discomfort pero hindi ganun kasakit, kayang tiisin, sandali lang po ang sakit at discomfort kumpara sa benepisyong makukuha, ngayon kung pipiliin po nila na mmr mammography pwede rin pong gamitin din yun

FJ: Meron po bang panganib o risk sa pag undergo ng breast cancer screening?

JT: Syempre lahat po ng mg apagsusuring ginagawa ay may katumbas na risk, ang una pong risk sa mamorgaphy ay ito pong exposure sa radiation, so nung nagsisismula pa lang po yung mammography at x ray nagging issue po ito dahil meron pong theoretical na panganib na magkaroon po ng cancer dahil po nae expose tayo sa radiation pero ang condition po ngayon ng makina ng x ray kumpara sa mga naunng x ray mas konti po ang radiation na ginagamit at ang impormasyon na nakukuha ay mas maganda kaya yung risk po na iyon for cancer ay mas kakaonti na rin po. May iba pa pong peligro tulad po ng pagsusuri sa katawan, meron pong itnatawag na false negative at false positive, ang false positive po ang ibig sabihin sinasabi po ngmamography na mukhang positive ka, mukhang may sakit ka, pero ito pala ay false positive, ibig sabihin akal ng pagsusuri meron pero wala, maiiwasan po itong false positive sa pagpili ng pasyenteng gagawan ng mammography, so wag po muna magpa mammography yung mga bata pa, mga 20, 30, 40, so mg aand above mas konti na po ang false positive

FJ: Kung may false positive may false negative din?

JT: Yan po ang mas delikado, ang false negative, dahil ibig sabihin lang po ng false negative ay ang sinasabi ng x ray ay wala kang sakit, wala kang cancer, walang nakita, pero ito pala ay mali, mero ka palang cancer. Ang incidence po ng false negative ay kukuha po tayo ng isang daan na pina mammography, so mga 10% ang incidence ng false negative sa mammography, naiiwasan po ito dahil hindi lang po tayo nagdedepende sa mammography para madiagnose ang isang cancer, nagdedepende po tayo sa family history, sa sintomas ng pasyente, sa pagkapa ng breast, pag examine po ng breast, at kung may nakakapa na parang suspichioso pero ang sinasabi ng x ray ay wala, ay may iba pang pagsusuri na pwedeng gawin para makasiguro kung totong hindi cancer yung nakakapa sa breast.

back to top

© 2005 RxPinoy.com/INFOMED and all our partner cancer groups and companies.
All other marks displayed here are properties of their respective owners. All Rights Reserved.